ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 13, 2020
Pinaigting ni Pampanga Gov. Dennis Pineda ang Ordinance No. 756 sa pagsusuot ng face mask at Executive Order No. 11-B na 11 PM hanggang 5 AM curfew sa naturang lugar.
Aabot sa P20,000 hanggang P50,000 ang multa o pagkakakulang ng isa hanggang anim na buwan sa sinumang hindi magsusuot ng face mask sa Pampanga.
Saad ni Gov. Pineda, “We will punish the parents or guardians instead because they are responsible for their young wards.”
Ang mga 21 taong gulang pababa ay kinakailangang manatili sa loob ng kani-kanilang bahay upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.
Comments