ni Maeng Santos | June 22, 2023
Sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang pagpapatupad ng rollback sa pamasahe sa mga TODA tricycle simula Hunyo 19, 2023,
Kung saan ibababa sa P10 ang pamasahe kada pasahero mula sa dating P12 na minimum fare kada kilometro.
Ito ay alinsunod sa Ordinance No. 497 Series of 2018, “An Ordinance Amending Section 3 (C) of Ordinance No. 19, Series of 2011, otherwise known as ‘Standardized Public Utility Tricycle Fare Increase”.
Nakipagpulong ang City Transportation Office (VCTO), sa pangunguna ni VCTO head Jay Valenzuela, sa ilang Tricycle Operator’s and Drivers’ Association (TODA), kung saan ipinamahagi ang bagong fare matrix.
Batid ang hirap ng mga commuters at driver dahil sa pabagu-bagong presyo ng langis,
ayon kay Mayor WES Gatchalian.
Comments