ni Mai Ancheta @News | July 16, 2023
Matapos ang kakarampot na rollback sa presyo ng produktong petrolyo noong nakalipas na linggo, babawi ang mga kumpanya ng langis ng malakihang dagdag sa darating na linggo.
Batay sa pagtaya ng mga nasa industriya ng langis, posibleng tataas ng mula P1.80 hanggang P2.00 kada litro ang ipapataw sa presyo ng diesel.
Tinatayang P1.50 hanggang P1.70 kada litro naman ang posibleng maidagdag sa presyo ng gasolina.
Ayon naman kay Department of Energy Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, mahigit piso kada litro ang posibleng itaas sa presyo ng
gasolina, diesel at kerosene.
Batay aniya sa resulta ng kanilang monitoring sa kalakalan sa world market nitong July 10-13, 2023 posibleng magkaroon ng oil hike sa susunod na linggo dahil sa planong pagbawas ng supply ng malalaking oil exporters kaya aasahang tataas ang demand sa mga papaunlad na bansa.
Matatandaang nitong July 11 ay nagpatupad ng rollback ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto — bente sentimos kada litro sa gasolina at singkuwenta sentimos sa kerosene.
Comments