P2.8 M ang engagement ring… P10 THOU PER HEAD SA RECEPTION NG KASAL NI ARA
- BULGAR
- Feb 22, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 22, 2021

Maraming natutuwa sa nalalapit na pagpapakasal ni Ara Mina sa businessman na si Dave Almarinez.
Finally, nakatagpo na rin daw ang aktres ng lalaking makakasama habambuhay na nag-offer sa kanya ng kasal.
Bongga ang engagement ring na ibinigay ni Dave kay Ara na nagkakahalaga ng P2.8 M. Malaking kayamanan na ‘yun kung tutuusin.
Mahal na mahal ni Dave si Ara kaya handa siyang ibigay ang makakapagpaligaya sa kanyang bride.
Balitang bongga rin ang magaganap na reception ng kanilang kasal dahil P10 thou per head daw.
Well, kayang-kaya naman ‘yan ni Dave at tiyak na aabangan ng lahat ang magaganap na kasalan.
Comments