ni Angela Fernando - Trainee @News | January 16, 2024
Naaresto ang dalawang lalaki sa ginawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. 175 sa Caloocan City.
Nasabat sa mga suspek ang 375 gramo ng sinasabing shabu na nagkakahalaga ng P2.5 milyon.
Kasama sa mga naaresto ang 32-anyos na factory worker at 42-anyos na pintor.
Dating nakulong na ang mga suspek at muling nagbenta ng shabu matapos makalaya, ayon sa ulat ng pulisya.
Saad ng acting chief ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na si Police Captain Emmanuel Aldana, merong namumuhunan sa kanila upang magkaroon sila ng ilalabas na malaking halaga ng shabu na ibebenta.
Tinutukoy pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng shabu.
Hindi naman nagbigay ng pahayag ang mga suspek na mahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Comments