top of page
Search
  • BULGAR

P1M para sa mga batang may cancer.. Vlogger Adam Alejo, kumasa sa 30 days stuck sa Gcash QR Code Box

ni Joy Repol-Asis @Life & Style | March 3, 2023




"Sa loob ng Gcash QR code box nagpa-stuck ako ng 30 days with a goal na makalikom ng isang milyong piso para sa mga batang lumalaban sa cancer and with a twist na kailangan kong makapunta sa Luzon, Visayas at Mindanao."


Ito ang panibagong challenge sa kanyang sarili ng content creator na si Adam Alejo.


Bumili siya ng truck na pinangalanan niyang si Tzukoy. Sa likod ng sasakyan ay nagpagawa si Adam ng malaking QR code box kung saan siya makukulong nang 30 araw.


Sa loob ng box, diskarte na ni Adam kung paano maitatawid ang 30-day challenge, paano makakatulog, kain, ligo, tawag ng kalikasan at iba pa. Kasama rin niya sa box ang boses ni 'Bossing' na nagbibigay ng instructions at challenges.


May kaibigan din si Adam na taga-updates sa nalilikom na donasyon. Sa Day 10 ng challenge, umabot na sa P200K ang tulong para sa mga batang may cancer.


After 30 days, bubuksan ang QR code box, at ang susi ay tangan ng isang karapat-dapat na tao na ating aabangan kung sino.


February 15, kasama ang kanyang tatay na si Melvin Alejo, mga kaibigan na sina Slengbalu, Tristan, Maxie, Jonash, Robert, Ramon at Ezekiel, sinimulan na nilang ikutin ang Pilipinas para makalikom ng donasyon na ilalaan sa mga batang may cancer.


Sa gitna ng biyahe ni Adam, may mga businesses at influencers din na nakibahagi, may mga nag-donate at nag-perform para mas makalikom ng donasyon.


Marami tayong napapanood na vlog, iba-iba ang content at impact na hatid sa mga viewers. At itong kay Adam ang isa sa masasabing inspirasyon.


Last year, nagpakulong na rin si Adam sa isang QR code box, kung saan nakalikom siya ng P100,000 na kanila ring idinonate sa mga biktima ng Bagyong Odette.


Naniniwala tayo na maraming 'Adam' sa atin, handang kumasa sa hamon para sa isang mithiin. Marami rin sa atin ang gustong tumulong pero nag-aalangan sa ating kakayahan o sa halaga na maibibigay. Pinatunayan na ni Adam na ang piso kapag pinagsama-sama, kayang makabuo ng P100 libo at ngayon ay posible pang maging isang milyong piso.


Sa sakripisyo, pagtutulungan at pagiging bukas-palad, matatapos ang 30-day challenge in a box ni Adam, at makakalikom ng P1 milyon para sa mga batang lumalaban sa cancer.


Makibahagi sana tayo sa isang makabuluhang challenge, iparamdam sa mga bata ang pagmamahal at pag-asa #onewiththekids


FB: Adam



0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page