top of page

P1K ayuda sa non-stop taas-presyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 26, 2023
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso | February 26, 2023



Plano ng administrasyong Marcos na maglunsad ng panibagong round ng cash aid sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) program upang makatulong sa pagpapagaan ng pasanin sa gitna ng inflation o patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Nabatid na nasa 9.3 milyong “poorest of the poor” ang makatatanggap ng P1,000 na hahatiin sa loob ng dalawang buwan.

“Right now, we’re considering the two-month subsidy for consumers,” saad ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa sidelines ng 2023 Annual Reception for the Banking Community, nitong Biyernes.

Ayon kay Diokno, ilulunsad sa lalong madaling panahon ang TCT program sa sandaling matukoy na ng gobyerno ang pagkukuhanan ng pondo.

Sa ngayon aniya, hinihintay pa nila ang Palasyo na mag-anunsyo kaugnay sa naturang programa.

“We’re just waiting for the announcement from the Palace,” ayon sa kalihim. Ang kabuuang budget para sa cash aid ay nasa P9.3 bilyon kasama ang 5% administration cost nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page