top of page
Search
  • BULGAR

P18 K na lang daw ang pera sa bangko…ALESSANDRA, UMAMING PA-BANKRUPT NA

ni Nitz Miralles - @Bida | August 30, 2020




Isa sa mga guests ni Luchi Cruz-Valdes sa Usapang Real Life na napanood kagabi sa TV5 ay si Alessandra de Rossi at nagustuhan ng mga viewers ang pagiging totoo ng aktres sa ina na P18K na lang ang laman ng kanyang bank account.


Kaya tama rin ang nabanggit niyang “Pa-bankrupt na ang bank account ko” dahil mabilis maubos ang halagang ‘yun lalo na ngayon na matumal ang dating ng mga projects.


Idagdag pa na takot lumabas ng bahay si Alex at pati ‘yung sinabing lumalabas lang siya ng bahay for work, limitado pa rin at pinipili pa rin nito kung aling offers ang tatanggapin.


Kaya malaking tulong talaga sa kanya 'yung sinabi niyang mga nagbibigay ng ayuda, lalo na ng pagkain, dahil hindi na siya mamimili at magluluto. Less gastos. Kaya ang daming posts na food ayuda sa Instagram page ni Alex bilang pasasalamat.


Naikuwento pa ni Alex na nagkasakit ang dad niya sa Italy at dumaan sa three operations at bilang anak, tumulong siya.


Samantala, isa si Alex sa mga nominated sa 43rd Gawad Urian for the movie Lucid at inaabangan na rin ang first directorial job niyang Fuffy and Fream. Si Alex ang director at leading lady ng movie at katambal niya si Piolo Pascual.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page