ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 18, 2021
Nasabat ang 158 kilograms ng hinihinalang marijuana na tinatayang aabot sa halagang P18.96 million sa isinagawang buy bust operation sa Concepcion, Tarlac ngayong Huwebes.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency – Tarlac, nagsagawa ng operasyon laban sa dalawang suspek na nagbenta ng hinihinalang marijuana na nagkakahalagang P3 million sa nagpanggap na buyer.
Sa naganap na pakikipagtransaksiyon, naaresto ang apat pang suspek. Pahayag ni PNP Chief Police General Debold Sinas, "Further investigation revealed that these suspects are actively engaged in the illegal drug trade activities, specifically marijuana within Region 1 and 3.
"Recent accomplishments against drug syndicates manifest the responsiveness of PNP units to the national government’s campaign against illegal drugs and criminality.”
Kinilala ang mga suspek na sina Marlon Miranda, 34; Joey Palaeyan, 33; Freddie Letta, 35; Carl Andrei Maico, 22; Via Jean Ortiga; at Lorraine Fulgencio, 23. Nasa kustodiya na ng PNP Provincial Drug Enforcement Unit ang mga suspek.
Komentar