P170,000 halaga ng shabu nasabat; 5 arestado sa Manila North Cemetery
- BULGAR
- Aug 30, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 30, 2020

Tinatayang aabot sa P170,000 ilegal na droga, ang nakumpiska mula sa limang naarestong suspek, apat dito ay mga babae, sa Manila North Cemetery, kagabi.
Ayon kay Police Lt/Col. John Guiagui, nakatanggap ng tip ang Manila Police District Station 3, na may magaganap na transaksyon ng ilegal na droga sa loob mismo ng naturang sementeryo.
Agad na rumesponde ang awtoridad sa lugar at naabutan ang limang suspek sa bahagi ng 29th Street ng Manila North Cemetery.
Gayundin, pitong sachet ng shabu na tumitimbang ng 25 gramo, ang narekober ng mga pulis. Batay sa Dangerous Drugs Board (DDB), aabot sa P170,000 ang halaga ng nakumpiskang ilegal na droga mula sa mga suspek.
Comentarios