ni Sonny Angara - @Agarang Solusyon | August 23, 2020
Pangunahing tanong sa araw-araw: Kailan matatapos ang lahat ng ito? Kailan tayo muling babangon? Walang nakakaalam pero ang sigurado, may nakahandang tulong ang pamahalaan.
Kamakailan, pinagtibay na ng Senado ang ikalawang bersiyon ng Bayanihan — ang Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover As One Act na pangunahing iniakda nina Senate President Vicente “Tito” Sotto at Senadora Pia Cayetano.
Lubos tayong nagpapasalamat sa ating mga kasamahan sa Mataas na Kapulungan, gayundin sa Kamara sa pagsisikap na maigapang ang panukalang ito upang matiyak na patuloy ang tulong ng gobyerno sa sambayanan.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, tayo ay naglaan ng kaukulang P140-B bilang regular appropriations habang may ‘tambay’ na P25.5-B bilang paunang lunas sakaling magipit. Kaya’t sa kabuuan, ang Bayanihan 2 ay may pondong umaabot sa P165.5-B.
Marami ang nagtatanong — saan-saan daw mapupunta ang pondong ‘yan? Hayaan ninyo ang lingkod na magpaliwang sa madaling salita: Una, mula sa naturang pondo, P3-B ang inilaan natin para sa procurement o pagbili ng PPEs, face masks, shoe covers at face shields; P4.5-B para sa pagtatayo ng mga pansamantalang medical isolation at quarantine facilities, field hospitals, dormitory at para rin sa pagpapalawak ng hospital capacity ng mga government hospitals; isa pang P4.5-B bilang pondo ng Office of Civil Defense o ng NDRRMC para sa kanilang isolation facilities at iba pang mga pangangailangan. Kabilang dito ang billing sa mga hotel, pagkain at transportasyon na ginagamit ng mga pasyenteng may COVID-19; halagang P13.5-B inilaan sa DOH para sa kanilang emergency employment ng Human resources for health; P820-M pondo para sa Overseas Filipino sa ilalim ng Department of Foreign Affairs; P13-B para sa cash-for-work program ng gobyerno at iba pang support programs nito para sa mga sektor na lubhang apektado ng pandemya; P600-M bilang subsidies and allowances para sa mga mag-aaral na lubha ring naapektuhan ng krisis; P300-M bilang subsidies and allowances sa mga guro, non-teaching personnel at part-time faculty sa mga state universities and colleges o SUCs; P180-M pang-allowance sa ating mga pambansang atleta at sa mga coach; P39.472-B bilang capital infusion sa pagpapautang ng government banks. Ito ay binubuo ng (1) P10-B para sa DTI Small Business Corporation o SB Corp kung saan P4-B dito ay para maipautang sa mga MSMEs, mga kooperatiba, ospital at OFWs, habang P6-B nito ay para sa turismo; (2) P18.4725-B para sa LandBank; (3) P6-B para sa DBP at (4) P5-B para sa Philippine Guarantee Corp.
Nariyan din ang P24-B bilang tulong sa sektor ng agrikultura at sa programang Plant, Plant, Plant ng Department of Agriculture; P9.5-B assistance sa sektor ng transportasyon; P4-B sa tourism industry at may P100-M pondo para sa tourist guides training at subsidies; P3-B para sa development ng smart campuses sa iba’t ibang panig ng bansa; P1-B para sa TESDA Scholarships; P6-B para sa DSWD assistance to individuals in crisis situations; P4-B para sa implementasyon ng digital education ng DepEd; P1.5-B assistance to LGUs, at karagadang P2-B pa bilang subsidy sa pagbabayad ng interest loans sa utang ng LGUs sa government banks; P5-B para sa DILG na gagamitin nila para makapag-empleyo ng mga dagdag na contact tracers; P2.5-M para sa mga computer-based licensure ng Philippine Red Cross; P10-M bilang research fund ng Health Technology Assessment Council, isang ahensyang nilikha sa ilalim ng UHC Law; P15-M naman para sa Computational Research Lab ng UP Diliman.
Tungkol naman sa standby fund na P25-B, halagang P10-B mula rito ang para sa patuloy na pagpapalawak ng COVID-19 testing, para sa pagbili ng gamot at bakuna. Kabuuang P15.5275-B naman bilang karagdagang capital infusion sa government banks.
Umaasa tayong sa pamamagitan ng panibagong tulong sa ilalim ng Bayanihan 2 ay patuloy na makatutulong ang ating pamahalaan sa sambayanan na patuloy na hinahagpit ng pandemya. Ilang hakbang na lang, lalapag na ang panukalang ito sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte at lalarga na para sa ating unti-unting pagbangon.
May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa AGARANG SOLUSYON ni Sonny Angara, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City
o mag-email sa agarangsolusyon.bulgar@gmail.co
Comments