ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 5, 2021
Nakumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 324 endangered giant clam shells na may bigat na 80 tons at tinatayang aabot sa halagang P160 million sa Roxas, Palawan.
Ayon sa PCG, isinagawa ang operasyon sa Barangay VI, Johnson Island noong March 3 sa tulong ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), Marine Battalion Landing Team 3 (MBLT-3), at Bantay Dagat Roxas.
Nagpaalala rin ang ahensiya na ang pagkuha ng mga endangered giant clams o mas kilala sa tawag na "taklobo" ay ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 10654 o The Philippine Fisheries Code of 1998.
Ang sinumang lumabag sa naturang batas ay maaaring humarap sa kasong administratibo at pagmultahin ng aabot sa halagang P3 million at pagkakakulong nang 8 taon, ayon sa PCG.
Bukod sa mga giant clam shells ay kinumpiska rin ng awtoridad ang nadiskubreng 124 piraso ng illegally cut mangrove trees sa naturang lugar.
コメント