ni Lolet Abania | November 4, 2021
Magkakaloob ng 350 million yen o P155 million na food assistance ang Japan para sa mga nangangailangan at sa mga komunidad na apektado ng labanan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon sa Japanese embassy sa Manila ngayong Huwebes.
Ito ay isasagawa ng World Food Programme (WFP), kung saan tinatayang 1,788 metric tons ng Japanese rice ang kanilang ipo-procure para ipamahagi sa tinatayang nasa 9,877 magsasaka at mangingisda, kabilang na ang mga decommissioned combatants at indigenous people sa Bangsamoro, ang isa sa pinakamahirap na rehiyon sa bansa.
“To supplement the food and nutrition needs of the targeted population, the Japanese rice will be fortified with iron prior to distribution,” pahayag ng Japan embassy.
“Provision of technical assistance by the WFP to the target communities will further strengthen and assist in restoring their livelihoods. The WFP will collaborate with the BARMM government to co-implement this project,” batay pa sa statement ng embassy.
Ang food aid project ay nilagdaan nina Japan’s Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko at WFP country director Brenda Barton.
Naging saksi rin sa naganap na okasyon sina Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Carlito Galvez, Jr., Foreign Affairs Acting Secretary Ma. Theresa Lazaro at BARMM Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform Deputy Minister Ammal Solaiman.
“Through this undertaking, vulnerable and conflict-affected communities in BARMM are expected to have improved food security, resilience, and livelihood, which will enhance peace and achieve development in the region,” pahayag pa ng embassy.
Comments