top of page
Search
BULGAR

P150K each binili, P20K lang pala.. DepEd, buking sa overpriced camera

ni Madel Moratillo | February 3, 2023




Pakkatapos ng isyu sa overpriced laptop, overpriced camera naman ang kinakaharap ngayon ng Department of Education (DepED).


Una rito, isang post sa Facebook ng isang photographer ang nakatawag ng pansin matapos nitong i-share ang larawan ng Canon DSLR camera na binili umano ng DepEd sa halagang P155,929.


Ang halaga umano ng nasabing camera sa online shop ay nasa halagang P20K hanggang P30K lamang.


Tiniyak naman ni DepEd spokesperson Michael Poa na iimbestigahan nila ang isyu. Pero sa kanilang inisyal na pagsisiyasat, ang mga nasabing camera ay binili umano noon pang 2019.


Ang nasa larawan aniya ay entry level camera at nang magtanong siya sa Public Affairs Service kaugnay sa ginagamit na camera ng DepEd, lahat naman umano ay Mark 4. Ibig sabihin hindi entry level ang mga ito. Makaaasa aniya ang publiko na iimbestigahan itong mabuti ng kagawaran.


Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page