top of page
Search
BULGAR

P13.6 M halaga ng shabu nakumpiska, 1 arestado

ni Lolet Abania | March 24, 2021




Timbog ang isang notorious drug suspect matapos na makuhanan ng P13.6 milyong halaga ng hinihinalang ilegal na droga sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Special Operations Unit, Philippine National Police Drug Enforcement Group at Agency, Provincial Intelligence Branch Laguna Police Provincial Office at San Pedro City PS kagabi.


Kinilala ni PNP OIC Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang inarestong suspek na si Eddarfeel Baloni Sakilan alyas Kalbo, 42-anyos, taga-Maguindanao, residente ng St. Joseph Village, San Pedro, Laguna.


Naaresto si Sakilan ng mga operatiba ng SOU 3, PDEG sa pamumuno ni PLT Jonathan Sosongco, PDEA 4A, PIB Laguna PPO at San Pedro City Police Station.


Nakumpiska kay Sakilan ang nasa 2 kilo ng hinihinalang shabu na may market value na P13.6 milyon, isang kotse, isang cellphone at P2,000 cash, kung saan ang suspek ay kilalang notorious drug courier na nag-o-operate sa Region 3, NCR, Region 4A at Mindanao area.


Ayon kay Eleazar, ang mga nasabing droga ay galing sa isang Chinese na nakipagtransaksiyon sa suspek at iba pang drug group gamit ang international number mula sa Hong Kong.


Sinabi pa ni Eleazar na ang kanilang grupo ay binubuo ng Filipino-Muslim at Chinese nationals. Modus ng mga ito na gumamit ng iba’t ibang sasakyan para sa kanilang illegal drug transaction.


Sa tulong ng confidential informant, napasok ng isang kawani ng PNP DEG ang nasabing drug syndicate habang nabunyag naman ang kanilang isinasagawang transaksiyon ng ilegal na droga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II of Republic Act 9165 ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page