ni Mary Gutierrez Almirañez | May 24, 2021
Natukoy na ng pulisya ang hinihinalang nasa likod ng COVID-19 vaccine slot for sale, batay sa panayam kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Brigadier General Ronaldo Olay ngayong umaga, May 24.
Aniya, "May mga impormasyon na tayo at may mga tao na o personalities na na-identify through sa ating back tracking sa mga bagay na 'yan.”
Kaugnay ito sa napabalitang puwedeng makakuha ng slot o mauna sa pila para mabakunahan kontra COVID-19, kung magbabayad ng P8,000 hanggang P12,000 ang bawat indibidwal na magpapareserba ng slot.
Nabanggit din sa ulat na laganap ang ganoong sistema sa Mandaluyong at San Juan.
Sa ngayon ay tumanggi muna si Olay na ibigay ang ilang impormasyon tungkol sa tinutukoy na pasimuno, sapagkat aniya’y maaaring mabulilyaso ang ginagawa nilang hakbang sa patuloy na imbestigasyon.
Comments