ni BRT | March 20, 2023
Aabot sa P120 milyong halaga ng umano’y smuggled na poultry at seafood products ang nasabat ng Bureau of Customs sa Navotas nitong Biyernes.
Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na nakuha ang umano’y smuggled products matapos ang raid sa 7 cold storage facilities.
Galing umano sa China ang karamihan sa mga frozen seafood. Habang sa Brazil at Australia naman ang umano’y smuggled na beef at galing naman umano sa United States at Russia ang pork products.
Kabilang sa mga nasabat na produkto ay frozen pork legs, chicken drumsticks, pork spareribs, squid rings, crayfish, pork ears, pork hinges, balone, brawley beef, pork aorta, chicken feet, pork riblets, golden pampano, pangasius fillet, boneless pork ham, fish tofu, at pork ears.
Ipatatawag ang mga may-ari ng mga frozen goods at kailangang magpresenta ng importation documents o patunay na hindi smuggled ang mga produkto.
Comments