top of page
Search
BULGAR

P12-M na marijuana, nakumpiska sa tumakbong konsehal


ni Lolet Abania | March 2, 2021





Umabot sa 99 marijuana bricks at isang bote ng marijuana oil na tinatayang nagkakahalaga ng P12 milyon ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa umano'y natalong pulitiko sa Tadian, Mountain Province.


Kinilala ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na si Rexton Bangang. Ayon sa PDEA, posibleng ginamit ng suspek ang drug money para masiguro ang kanyang posisyon sa gobyerno.


Tumakbong councilor si Bangang noong 2019 local elections subalit natalo ito.


Nagsagawa ang PDEA ng 3-buwang surveillance kay Bangang, na sinasabi rin umanong supplier ng isang sindikato.


"Ito ay dinala at ibiniyahe ng isang masasabi natin na malaking tao doon sa Tadian, Mountain Province," ani PDEA-Cordillera Director Gil Castro. Gayunman, tumangging magbigay ng pahayag si Bangang tungkol dito.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page