top of page
Search
BULGAR

P10B kaltas sa 2024 DOH budget, dapat ibalik

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 24, 2023


Nabalitaan natin na babawasan ng P10 billion ang budget ng Department of Health sa panukalang 2024 national budget.


Mariin nating tinututulan ito. Sa totoo lang, dapat ay pinoprotektahan sa pagkaltas ng pondo ang mga health services.


Dapat nga laging top priority ang mga programang pangkalusugan.


Hindi maaaring makompromiso ang mga mahahalagang programa ng DOH, lalo na iyong mga nagbibigay ng tulong sa mga mahihirap.


Kung tutuusin, baka nga kailangan pa nating dagdagan ang budget ng DOH dahil marami pa tayong dapat lagyan ng pondo. Ang direksyon na dapat nating tahakin ay pagpapalakas pa lalo ng public health system.


Makakaasa kayo na pipilitin ng Senado na maibalik ang P10 billion na ikinaltas sa budget ng DOH.


☻☻☻


Noong Martes, August 22, ay pumanaw ang kalihim ng Department of Migrant Workers na si Susan "Toots" Ople.


Lubos kong ikinalulungkot ang pagpanaw ng isang mabuting kaibigan at dakilang Pilipino.


Inialay ni Sec. Toots ang buong buhay niya sa paglilingkod sa kanyang mga Kababayan, lalo na sa mga overseas Filipino workers.


Paalam, Toots, at maraming salamat sa serbisyo at pagkakaibigan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page