ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 30, 2020
Magbibigay ng P100,000 ang Alpha Phi Beta Fraternity ng University of the Philippines (UP) sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon kaugnay ng pagkawala ng lawyer-professor na si Ryan Oliva na unang iniulat na nawawala noong Sabado, November 21.
Saad ng naturang grupo, “In order to aid in the search, the Fraternity is willing to give a reward of P100,000.00 to any person who can provide credible information that will help us find Atty. Oliva.”
Si Oliva ay empleyado rin ng Department of Tourism Divisional bilang Chief of the Legislative Liaison Unit.
Samantala, sa ilang imbestigasyon, nakita ang ilang pag-aari ni Oliva sa Occidental Mindoro noong November 27 at ayon naman sa National Bureau of Investigation (NBI), huling nakita ang professor sa Batangas resort.
Comments