top of page
Search
BULGAR

P10.4 B pondong nawawala sa SAP, pinabulaanan ng DSWD


ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 4, 2021



Pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang alegasyon ni Senator Manny Pacquiao na may nawawala diumanong P10.4 bilyon pondo ng Social Amelioration Program (SAP) habang 1.4 milyong benepisyaryo ang hindi nakatanggap ng ayuda.


Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, handang humarap ang ahensiya sa anumang imbestigasyon kaugnay ng naturang alegasyon.


Aniya sa isang panayam, "Nais din nating bigyang-diin na wala pong nawawalang pondo hinggil sa SAP implementation.”


Kinuwestiyon din ng senador sa kanyang virtual press conference ang e-wallet na Starpay para sa SAP. Saad ni Dumlao, "Ang financial service providers (FSPs), kabilang ang Starpay, ay ini-liquidate lahat ng budget na kanilang natanggap. Anumang pondo na kanilang natanggap ay ini-refund sa DSWD. It is now being distributed sa mga natitira pang SAP beneficiaries.”


Samantala, ayon kay Pacquiao, may hawak siyang matibay na ebidensiya at nais niyang imbestigahan ito ng pamahalaan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page