ni Mai Ancheta @News | August 20, 2023
Panibagong kalbaryo ang sasalubong sa mga motorista at transport groups sa susunod na linggo dahil sa nakaambang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ito ang ika-7 pagkakataon na sunud-sunod na pagtataas ng produktong petrolyo sakaling ilarga ang panibagong oil hike sa darating na Martes.
Ayon sa kumpanyang Unioil, aasahan ang 80 sentimos hanggang piso kada litro na oil hike sa gasolina habang sa diesel ay tataas ng 10 hanggang 20 sentimos kada litro.
Hindi pa nakapagpalabas ng abiso ang ibang oil companies kung magkano ang inaasahang itataas sa presyo kada litro sa kanilang mga produkto sa susunod na linggo
Comments