ni Lolet Abania | March 30, 2021
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes ang bagong special amelioration program para sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus bubble gaya ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna.
Sa weekly talk to the people ni Pangulong Duterte, ayon kay Budget Secretary Wendell Avisado, may kabuuang 22.9 milyong low-income na indibidwal ang makakatanggap ng P1,000 in kind sa ilalim ng dole out program.
Binanggit din ni Avisado na ang Department of Budget and Management ay agad na magpapalabas ng P22.9 billion pondo na ibibigay sa mga local government units na nasa NCR Plus bubble para sa distribusyon ng mga goods.
Ang benepisyong ito ay limitadong matatanggap ng pamilyang may apat na miyembro lamang.
Samantala, hindi nabigyang-linaw ng Pangulo kung anong tulong ang maibibigay sa mga pamilyang may 5 miyembro at higit pa.
Comments