top of page
Search
BULGAR

P1.8B tax evasion case vs. 69 illegal cigarette traders — BIR

ni Mylene Alfonso / Jeff Tumbado | May 26, 2023




Naghain ng kasong kriminal ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga mangangalakal ng sigarilyo dahil sa ilegal na pagbebenta ng produkto na siyang dahilan ng pagkalugi ng gobyerno sa P1.8 bilyon buwis.


Ang mismong hepe ng ahensya na si Jun Lumagui, Jr., ang nagsampa ng nasa 69 reklamo sa DOJ kahapon kung saan sinabi nito na nagmula ito sa nangyaring sunud-sunod na pagsalakay ng mga awtoridad sa iba't ibang lugar sa bansa simula noong Enero 25, 2023.



“Ang sigarilyo kasi ay dapat niyan, bago kayo makapagbenta niyan dapat bayad ang excise tax n'yan, so dapat bayad ang buwis n'yan. May stamp na nakadikit d'yan sa mga sigarilyo, doon sa pakete ng sigarilyo," paliwanag ni Lumagui.


“Ngayon, itong mga nahuli natin noong nakaraang January 25 na raid ay ‘yung iba dito walang stamp, ‘yung iba dito ay peke 'yung stamps na kunwari na pinapalabas na bayad ang tax,” dagdag pa ng opisyal.


Napag-alaman kay Lumagui na ilan sa mga traders na kasama sa mga inireklamo ay nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo.


Ang 69 kaso ay kinasasangkutan ng 15 revenue regions kung saan tinukoy ng opisyal na karamihan ay malalaking sindikato.


Ayon kay Lumagui, nasa pagitan ng P50 bilyon hanggang P100 bilyon ang nalulugi sa gobyerno kada taon dahil sa ilegal na pagbebenta ng sigarilyo sa bansa.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page