ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 17, 2021
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang aabot sa P1.5 million halaga ng smuggled medicines sa isang storage facility sa Pasay City noong Sabado.
Sa tulong ng National Bureau of Investigation, ayon sa BOC, nadiskubre ang makeshift clinic at nakumpiska ang mga naturang gamot kabilang na ang ribavirin, ginagamit na panggamot sa pneumonia at bronchitis noong January 14.
Hinala ng awtoridad, ginagamit ang naturang clinic para sa COVID-related cases.
Samantala, patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon at posible umanong maharap sa kasong paglabag sa Section 1113 of R.A. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang mga nasa likod ng operasyon ng naturang clinic.
Comments