top of page
Search
BULGAR

P1.36 milyong shabu, nasabat sa Bulacan

ni Twincle Esquierdo | September 3, 2020



Nasabat ng Bulacan Police sa isang lalaki ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.36 milyon sa isinagawang buy-bust operation kahapon, Setyembre 2, sa San Miguel, Bulacan.



Kinilala ang suspek na si Gilbert Catiis Y. Cobarubias, residente ng Bulualto, San Miguel,

Bulacan na isa sa mga nasa listahan ng PNP PDEA, ayon kay Bulacan Police Chief Capt.

Lawrence Cajipe.


Base sa ulat ni Police Chief Lt. Col. Voltaire Rivera, dakong alas-4:15 ng hapon nang isinagawa ang buy bust operation na pinangunahan ng undercover intelligence operative na nagkunwaring buyer.


“The suspect suddenly sensed that he was transacting to a police officer, ran and drew a gun towards the operatives that prompted the latter to defend himself and shot the suspect,” pahayag ni Capt. Cajipe.


Agad namang dinala sa ospital ang suspek na napilayan habang nakikipagpalitan ng putok sa mga awtoridad bago inihatid sa San Miguel Municipal Jail.


Nakuha rin sa suspek ang isang caliber .45 pistol, isang magazine na may ammunitions, digital weighing scale, maliit na gunting at Bajaj motorcycle.


Dinala sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office ang mga ebidensiyang nakuha habang pinag-aaralan pa ang mga kasong isasampa laban sa suspek.


Ayon pa kay Capt. Cajipe, patuloy nilang pinapaigting ang kampanya laban sa droga sa gitna ng pandemya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page