top of page
Search
BULGAR

P1.28 B halaga ng shabu, nakumpiska, 3 arestado

ni Lolet Abania | October 1, 2021



Nakakumpiska ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 149 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.28 bilyon mula sa tatlong naarestong indibidwal sa isang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite, ngayong Biyernes.


Batay sa initial report, kinilala ng PDEA ang mga suspek na sina Jorlan San Jose, 26; Joseph Maurin, 38; at Joan Lumanog, 27. Alas-6:40 ng umaga, ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite.


Maliban sa shabu, nasamsam din ng mga awtoridad sa mga suspek ang P1,000 buy-bust money, isang bundle ng boodle money, at isang cell phone sa naturang operasyon.


Nakadetine na ang mga suspek habang sasampahan ang mga ito ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page