ni Lolet Abania | June 23, 2021
Higit sa 912 kilograms na aabot sa mahigit P1.295 bilyong halaga ng iba't ibang klase ng droga ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Trece Martires City, Cavite, ngayong Miyerkules.
Sa isang pahayag ng PDEA, ang mga drug evidence ay sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition na nasa pasilidad ng Integrated Waste Management, Inc. (IWMI). Ayon sa PDEA, ang thermal decomposition o thermolysis ang siyang sisira sa lahat ng chemical compounds dahil sa init na mayroon ito.
Sa temperaturang 1,000 degrees centigrade, lahat ng mapanganib na droga na dadaan dito ay tuluyang made-decompose o mawawasak.
Kabilang sa mga mapanganib na droga na kanilang sinira ay methamphetamine hydrochloride o shabu, toluene, marijuana, cocaine, ecstasy at iba pa. Sa report ng PDEA Laboratory Service, inilabas ang halaga ng bawat ilegal na droga na kanilang sinira:
• 133,134.40 grams of shabu, with an estimated street value of P905,313,916.00
• 102,330 ml of liquid shabu worth P208,753,200.00
• 10.10 grams of toluene worth P1,066.16
• 504,198.96 grams of marijuana worth P60,503,863.34
• 3,585.40 grams of cocaine worth P19,002,638.55
• 4,131.34 grams of MDMA worth P28,319,696.77
• 209,584.30 grams of pseudoephedrine worth P72,432,334.08
• 122.48 grams of ephedrine worth P612,400.00
• 30.26 grams of diazepam worth P2,345.15
• 65.93 grams of nitrazepam worth P1,401.10
• 30.23 grams of alprazolam worth P642.39
• 49.69 grams of methylephedrine worth P79,504
• 4.50 grams of ketamine worth P27,346.50
• 350 ml of GBL
• 6,090.50 grams of opium
• 0.42 grams of methylphenidate
• 50,000 grams of expired medicines
Pinuri naman ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang iba't ibang Regional Trial Courts branches dahil sa walang humpay nilang pag-prosecute at disposisyon sa mga drug cases, kung saan nagresulta ito sa agarang pagsira nila ng mga drug evidence.
“We want to assure the public that all seized illegal drugs under the custody of PDEA will all be destroyed, thus allaying fears of recycling,” ani Villanueva.
Sinabi pa ng PDEA, ang ginawang pagsira sa mapanganib na droga ay bilang pagsunod sa guidelines na nakasaad sa Section 21, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002. Dumalo rin sa naturang ceremony ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, Philippine National Police, Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, non-government organizations, at mga miyembro ng media.
Comments