ni Lolet Abania | September 20, 2020
Tinatayang 980 gramo ng kush marijuana na nagkakahalaga ng P1.1 million ang nakumpiska ng kawani ng Bureau of Customs (BOC) - Port of Clark sa Pampanga.
Ayon sa BOC, nakalagay ang ilegal na droga sa tatlong plastik na pakete sa loob ng imported na coffee bean packs na nagmula sa California.
Dumating ang shipment, noong September 8 na idineklarang naglalaman ng kape, T-shirts at bookbag, subali’t hindi ito nakitaan ng kahina-hinalang imahe sa initial examination ng Customs.
Gayunman, nagsagawa ng physical examination sa kargamento at nakuha ang atensiyon ng Customs examiner ng kahina-hinalang amoy ng mga kape kaya
agad na binuksan ang mga pakete at nadiskubre ang mga tuyong dahon na hinihinalang damo ng marijuana.
Nakumpirma mula sa laboratory tests na ang mga kape ay marijuana.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng BOC-Port of Clark sa may-ari ng kargamento ng kape. Ito na ang ika-19 na shipment na nasabat ng nasabing ahensiya.
Comments