ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 6, 2021
Nagbabala ang Quezon City local government sa mga pasaway sa health protocols at pagmumultahin ng aabot sa P1,000 ang sinumang lalabag sa mga ipinatutupad na ordinansa upang mapigilan ang paglobo ng kaso ng COVID-19.
Saad ni QC Mayor Joy Belmonte, “Marami sa ating mga kababayan ang hindi sineseryoso ang ating mga ordinansa ukol sa ating health protocols. Now, we will give them a reason to take this very seriously as we won’t be lenient this time around.”
Kabilang umano sa mga pagmumultahin ay ang mga hindi nagsusuot ng face masks sa pampublikong lugar.
Ayon pa sa lokal na pamahalaan, “Ordinances SP-2957, S-2020 and SP-2985, S-2020 — which mandates the wearing of face masks in public places and directing all those below 15 years old to remain at home, respectively – both impose a fine of P300, P500 and P1,000, for the first, second and third offenses, respectively.”
Binalaan din ni Belmonte ang mga establisimyentong lumalabag sa health protocols kabilang na ang mga hotels na ginagamit bilang quarantine facilities para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Aniya, “There were reports that some quarantine hotels allow patients to leave the quarantine premises even before they finish the required quarantine period.”
Ayon naman kay Dr. Rolly Cruz, head of the City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), “If the need arises, the CESU can initiate the filing of cases against violators of quarantine, isolation, and other health protocols.”
Nagbibigay din ang pamahalaang lokal ng Ordinance Violation Receipt (OVR) sa mga lumabag sa health protocols upang mabigyan ng pagkakataong makapagbayad sa loob ng 5 araw.
Pinag-aaralan naman ng city government ang pagsuspinde ng police clearance, occupation permit, barangay clearance, at hawkers’ permit sa mga indibidwal at establisimyento na hindi magbabayad ng multa na nakasaad sa OVR.
Samantala, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, mananatiling nakasara ang indoor cinema, video/interactive game arcade, at theme park/funfair sa Quezon City.
Ayon pa sa lokal na pamahalaan, mananatiling sarado ang mga beerhouse, nightclub, videoke/KTV bar; at kids amusement center, daycare, at playhouse.
Comments