ni Lolet Abania | December 10, 2020
Nagpatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang full cabinet meeting na gaganapin sa December 14 subali't wala pang inilabas na detalye tungkol sa agenda nito, ayon sa Malacañang.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. na gagawin ang pulong ni Pangulong Duterte kasama ang mga gabinete bago ang kanyang lingguhang address to the nation.
Matatandaang nagsasagawa si P-Duterte ng buwanang pulong kasama ang mga cabinet members subali't nahinto ito dahil sa COVID-19 pandemic noong March.
“I think that’s [COVID-19] a very good reason,” sabi ni Roque sa isang press briefing.
Gayunman, sinimulan muli ng pangulo ang cabinet meetings noong October upang talakayin ang pagpapasigla sa ekonomiya at pagbubukas ng public transport sa kabila ng nararanasang health crisis ng bansa.
Si Pangulong Duterte at ang mga cabinet officials na dumalo noong October 12 meeting ay nakasuot ng face mask at naglagay sila ng plexiglass table dividers para masigurong ipinatutupad ang social distancing.
Ayon pa kay Roque, nais ni P-Duterte ng face-to-face meetings kaysa sa online interaction.
Comments