ni Lolet Abania | February 22, 2021
Ipinasa ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nagbibigay ng karagdagang kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte upang suspendihin ang pagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS).
Pinaburan ng mga senador sa bilang ng boto na 21 ang tinatawag na status quo sa dagdag na monthly premium ng lahat ng miyembro ng SSS.
Ang pagpapaliban ng contribution hike sa SSS ay dahil sa patuloy na nararanasang krisis ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Gayunman, maaaring ipatupad ang dagdag na kontribusyon sakaling bumalik na sa normal ang estado ng bansa kasabay ng pagbabalik sa trabaho ng maraming miyembro ng SSS.
Comments