P-Du30, inayunan na maliit na bagay lang ang virus… Roque: COVID-19, lilipas din!
- BULGAR
- Mar 16, 2021
- 1 min read
ni Mary Gutierrez Almirañez | March 16, 2021

Dinepensahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na “maliit na bagay” lang ang COVID-19.
Saad ni P-Duterte sa kanyang public address, “Kaya natin ito. Itong COVID-19. Maliit na bagay lang ito. Marami tayong nadaanan. Huwag kayong matakot, hindi ko kayo iwanan.”
Depensa ni Roque, "Ang sinasabi po ng Presidente ay patuloy naman pong ang Pilipinas ay nabubuhay sa kabila ng COVID-19.
"Ang sinasabi ng Presidente, temporary lang 'yan, hindi po iyan forever, lilipas po iyan. At pagdating po ng bakuna, magkakaroon tayo ng solusyon sa ating problema, magkakaroon po tayo ng new normal.
"Hindi po minamaliit ng Presidente ang ating paghihirap pero ang sinasabi po niya, babangon naman po tayo r'yan, we will heal as one."
Samantala, noong Lunes, naitala ang pinakamataas na record na 5,404 bagong kaso ng COVID-19. Ngayong araw naman ay nakapagtala ang bansa ng 4,000 panibagong kaso at sa kabuuan ay umabot na sa 626,893 ang cases ng COVID-19 sa bansa. Nasa 53,479 ang aktibong kaso at 12,837 naman ang bilang ng mga nasawi.
Comments