ni Zel Fernandez | April 18, 2022
Personal na binisita ni Pangulong Duterte ang mga biktima ng Bagyong Agaton sa Leyte at Capiz.
Nagpahiwatig ng pakikidalamhati ang pangulo sa lahat ng mga sinalanta ng bagyo, lalo na ang mga naulila bunsod ng naganap na landslide at pagbaha, partikular sa Baybay City.
Gayunman, tiniyak ng pangulo na patuloy na tutulong ang pamahalaan sa mga nasalantang pamilya upang muling makabangon mula sa hagupit ni ‘Agaton’.
Nagsagawa rin ng aerial inspection sa Leyte ang pangulo kasama si Sen. Bong Go at iba pang mga opisyal ng pamahalaan. Dinalaw din ng pangulo ang mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Agaton sa Capiz.
Sa kanyang pahayag, siniguro ng pangulo na hangga’t hindi naiaayos ang relokasyon ng mga nasalanta, patuloy na magkakaloob ng makakain ang gobyerno sa lahat ng mga biktima.
Comments