top of page
Search
BULGAR

P-BBM, wala nang COVID symptoms – Malacañang

ni Lolet Abania | July 13, 2022




Wala na ng anumang sintomas ng COVID-19 si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa Malacañang ngayong Miyerkules.


Sinuri si Pangulong Marcos ng kanyang lead doctor na si Dr. Samuel Zacate ngayong Miyerkules ng umaga at sinabi nitong “[President Marcos had] no cough, no fever, no nasal stuffiness, and no nasal itchiness and basically asymptomatic as of this time being.”


“Dr. Zacate gave the happy news that on the fifth and sixth day of his isolation, the President is now free from all symptoms of COVID-19,” pahayag naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.


Ayon kay Angeles, natapos na ni Pangulong Marcos ang kanyang medications at handa nang bumalik sa kanyang face-to-face activities at engagements.


Gayunman, kailangan pa rin ng Pangulo na makumpleto ang kanyang 7-araw na isolation.


“Dr. Zacate told the President that that he still needs to complete his seven-day isolation as mandated by the health department’s protocol,” saad ni Angeles.


Sinabi rin ni Angeles, base sa pahayag at obserbasyon ni Zacate, na ang vital signs ni Pangulong Marcos lahat ay normal at wala siyang respiratory distress.


Binanggit pa ni Angeles na maaaring lumabas mula sa isolation ang Pangulo sa Biyernes kung aniya, “no reappearance of any sign and symptoms related to COVID-19, and provided further that he has no fever for the next 24 hours.”


Noong Hulyo 8, nagpositibo si Pangulong Marcos sa test sa COVID-19.


Gayunman, pinangunahan niya ang kanyang ikalawang Cabinet meeting nitong Martes sa pamamagitan ng teleconferencing.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page