top of page
Search
BULGAR

P-BBM sa mga guro at estudyante… Health protocols, patuloy na sundin

ni Lolet Abania | August 22, 2022



Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang mga guro at estudyante na patuloy na isagawa ang minimum health standards kasabay ng pagbubukas ng mga klase para sa School Year 2022-2023 sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Sa isang pahayag ngayong Lunes, binati ni Pangulong Marcos ang mga estudyante aniya, “the return of our children to full face-to-face classes after two years of online learning due to the pandemic.”


“It has always been my belief that learning will be more effective inside classrooms where students fully interact with their teachers and fellow students,” saad ni Pangulo Marcos.


“Since the threat of COVID-19 is still in our midst, it is important that our teachers and students continue to observe the minimum health protocols to ensure that they remain healthy while learning new things,” sabi pa niya.


Ayon kay Pangulong Marcos, wala siyang duda na sa pamumuno ni Vice President Sara Duterte sa Department of Education (DepEd), garantisado na ang mahigit sa 28.21 milyong estudyante na naka-enroll sa K-12 system ay makatatanggap ng quality education na ninanais din ng mga magulang para sa kanilang mga anak.


Sa ngayon, wala namang naging major challenges na na-encounter ang mga paaralan sa pagsisimula ng unang araw ng in-person classes, ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa.


Para sa School Year 2022-2023, ipapatupad ang combined na in-person classes at distance learning mula Agosto hanggang Oktubre, habang ang 5-araw na face-to-face classes sa public at private schools ay magre-resume sa Nobyembre 2.


Base sa data ng DepEd, may 27.6 milyon estudyante, parehong nagmula sa private at public schools, ang naka-enroll para ngayong academic year — bahagyang shortfall ito mula sa 28.6 milyong target sana ng ahensiya.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page