top of page
Search

P-BBM sa mga binagyo: Pabahay at cash, oks na

BULGAR

ni BRT @News | July 31, 2023




Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pagkakalooban ng housing repair assistance at emergency support ang mga mamamayang nawalan ng tirahan sa pananalasa ng Super Bagyong Egay sa Hilagang Luzon.


Sinabi ni P-BBM na nasa proseso na ng pagtukoy ang pamahalaan sa mga ‘totally’ o ‘partially damaged’ na mga bahay.


Sanib-pwersa aniya ang Department of Human Settlements and Urban Development at National Housing Authority para matugunan ito.


“Sa mga nasiraan ng bahay – completely destroyed houses – mayroong emergency support na gagawin ang DHSUD, ang human settlements at mayroon ding gagawin ang NHA para magtulungan sila and mayroong assistance at magpapatayo rin ng bahay,” dagdag ni Marcos.


Samantala, tiniyak din ni Social Welfare and Development Sec. Rex Gatchalian sa mga pamilya na apektado ng nagdaang bagyo na magpapatupad ang pamahalaan ng emergency cash transfers at cash-for-work programs para matulungan ang mga ito sa kanilang recovery.



0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page