top of page
Search
BULGAR

P-BBM sa ASEAN leaders: Walang dapat maghari-harian sa South China Sea

ni Mylene Alfonso @News | September 7, 2023




Direktang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong Miyerkules kay Chinese Premier Li Qiang na igigiit ng Pilipinas ang mga karapatan sa soberanya hinggil sa mga alitan sa teritoryo sa South China Sea.


Ang nasabing posisyon ay batay sa depinisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).


Sa 43rd Association of Southeast Asian Nations Summit (Asean), nagpahayag ng pasasalamat si Marcos sa China para sa pakikipagtulungan nito sa Asean, at sinabing nakatulong ito sa paglago ng rehiyon.


Gayunman, ang paglago na iyon ay maaari lamang maging posible sa kapayapaan.


Samantala, hindi umano dapat na pumayag ang Association of Southeast Asian Nations na may maghari-harian na bansa sa South China Sea.


Sa intervention ni Pangulong Marcos sa 43rd ASEAN Summit Retreat dito, inihayag niya na dapat na pumalag ang ASEAN na mapasailalim ang international order sa puwersang ginagamit para sa hegemonic ambition.


Aniya, nahaharap sa isang malaking hamon ang ASEAN.


"History will ultimately judge whether the supremacy of the rule of law prevails, ushering in an era where all nations truly stand as equals, independent and unswayed by any single power,” paliwanag ni Marcos.


"The challenge for us remains that we should never allow the international order to be subjected to the forces of might applied for a hegemonic ambition," hirit pa ng Pangulo.


Dagdag pa niya na committed ang Pilipinas na makipagtulungan sa ibang bansa para maisulong ang freedom of navigation at overflight sa South China Sea na nakabase sa international law kasama na ang 1982 UNCLOS.



留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page