ni Lolet Abania | January 3, 2023

Dumating na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Beijing, China, ngayong Martes ng gabi para sa isang state visit.
Sakay ng flight PR 001, sina Pangulong Marcos at ang buong delegasyon ng Pilipinas ay lumapag sa Beijing ng alas-6:10 ng gabi.
Naitakda ang state visit ni P-BBM na mula Enero 3 hanggang 5 sa imbitasyon na rin ni President Xi Jinping. Ang China ang unang non-ASEAN country na binisita ni Pangulong Marcos nang maging president ng bansa.
Inaasahan ni Pangulong Marcos, habang nasa China, na tatalakayin nila ang maritime dispute sa South China Sea, isang bahagi kung saan itinuturing ng Manila bilang West Philippine Sea, sa kanyang meeting kasama ang mga Chinese officials.
Una na ring sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), “The possible oil and gas explorations in the resource-rich region could also be raised during the meeting. Around 10 to 14 bilateral government agreements are expected to be signed during the state visit.”
Samantala, itinuloy ni Pangulong Marcos ang kanyang state visit sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 cases sa China habang tiniyak naman ng Chinese government na magsasagawa sila ng mga arrangements para siguruhin ang kaligtasan ng Punong Ehekutibo at kanyang buong delegasyon.
Kommentare