top of page
Search

P-BBM, namahagi ng tulong sa mga napinsala ng pagbabaha

BULGAR

ni Lolet Abania | January 11, 2023



Iniutos na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagre-release ng mahigit sa P3 million halaga para sa pagsasaayos ng mga gusali ng paaralan sa Misamis Oriental na napinsala ng pagbabaha dahil sa shear line nang bisita niya ang naturang lugar, gayundin sa Misamis Occidental ngayong Miyerkules.


“If the LGUs (local government units) can take the load, we can send you the three million plus immediately. Kasi ito ‘yung nakalista dito, for the school buildings,” pahayag ni Pangulong Marcos sa ginawang situation briefing sa Gingoog City sa Misamis Oriental.


“I’m talking about the school buildings for the repair. Yeah do it. By administration na lang para mas mabilis. Mas mabilis and mas mura,” dagdag ni P-BBM.


Ayon sa Chief Executive, mayroong 63 classrooms ang binaha dahil sa malakas na buhos ng ulan dulot ng shear line.


Inatasan na rin ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na pabilisin ang pagre-repair ng mga napinsalang imprastruktura kapag nag-subside na ang baha sa mga lugar.


Batay sa report ng lokal na gobyerno ng Gingoog, ang bilang ng mga apektadong pamilya ay umabot na sa 18,452, habang nasa 45 mula sa 59 barangay naman ang naapektuhan.


Samantala, nangako si Pangulong Marcos na magbibigay ang gobyerno ng tulong at resettlement sa mga residente na tinamaan ng mga pagbabaha sa mga nabanggit na lugar.


Aniya, iniutos na rin niya sa National Housing Authority (NHA) na maghanap ng mga resettlement areas para sa mga residente na nawasak ang mga tirahan. Magsasagawa rin ang mga awtoridad ng flood-control structures gaya ng mga dikes.


“Nag-coordinate na kami sa National Housing Authority. ‘Yung mga bahay na totally destroyed, hahanapan natin ng resettlement area para magkaroon ng tirahan,” saad ni P-BBM sa pamamahagi ng assistance ng gobyerno sa isang sports complex sa Tudela, sa Misamis Occidental.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page