top of page
Search
BULGAR

P-BBM, nag-aerial inspection sa mga lugar na hinagupit ni ‘Karding’

ni Lolet Abania | September 26, 2022



Nagsagawa ng isang aerial inspection si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Lunes sa mga lugar na apektado ng Bagyong Karding.


Ayon sa Malacañang, sakop ng inspeksyon ng Pangulo ang mga probinsya ng Bulacan, Nueva Ecija at Tarlac.


Una rito, nagbigay ng briefing si Pangulong Marcos sa ibang mga opisyal ng gobyerno para kanilang i-assess ang sitwasyon ng mga lugar na hinagupit ni Karding.


“Now we are going to fly and to see... I wanted to see what the level of the water is.


Tingnan natin, how far we can go. Iba ‘yung nakikita mo eh. I will not land in any place,” pahayag ng Pangulo sa mga reporters.


Sinabi ni P-BBM na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay handa na magbigay ng assistance sa mga apektado residente, kabilang na ang mga pagkain at tubig na inumin.


“The DSWD is also prepared to provide AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situations) for them. They need assistance... the whole range of assistance is prepared, is ready to go,” saad ni Chief Executive.


“But right now, having cash is really not useful for them. So, unahin natin ‘yung immediate needs nila. And when the time comes magagamit na nila ‘yung AICS, bibigay natin sa kanila,” sabi pa ng Pangulo.


Ang AICS ay isa sa mga programa ng DSWD sa ilalim ng kanilang Protective Services Program, na layong magbigay ng financial at material assistance, psychosocial support, at mga referral services sa mga indigents o in crisis na mga indibidwal at kanilang pamilya, kung saan na-assess na ng mga social workers.


Ayon sa PAGASA, ang Super Typhoon Karding ay kasalukuyang kumikilos west northwestward ng 30 km/h. Taglay nito ang lakas ng hanggang typhoon-force winds na nag-e-extend palabas na aabot ng hanggang 270 kilometro mula sa sentro.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page