ni Angela Fernando - Trainee @News | March 8, 2024
![](https://static.wixstatic.com/media/6bbb76_5715bd0e31454c12b06bae9644f69322~mv2.jpeg/v1/fill/w_980,h_552,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/6bbb76_5715bd0e31454c12b06bae9644f69322~mv2.jpeg)
Bibiyaheng muli si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kasama si First Lady Liza Marcos papuntang Germany at Czech Republic.
Naimbitahan para mag-working visit sa Germany ang dalawa ng German Chancellor na si Olaf Scholz.
Ang dalawa ay inimbitan din sa Czech Republic ni Pres. Petr Pavel upang mag-state visit.
Nakatakdang bumiyahe ang Pangulo at ang First Lady sa susunod na linggo ng March 11 hanggang March 15, 2024.
Layunin din sa mga biyahe ni Marcos na palakasin ang relasyon at ang kooperasyon ng 'Pinas sa mga nasabing central European countries.
Comments