top of page
Search
BULGAR

P-BBM, muling babalikan ang BRBDP matapos ang Bagyong Kristine

ni Angela Fernando @News | Oct. 26, 2024



Photo: Pres. Bongbong Marcos / PBBM - Presidential Communications Office


Nagpahayag si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Sabado na plano niyang muling balikan ang Bicol River Basin Development Program (BRBDP), isang proyekto ng kanyang yumaong ama na si Ferdinand Marcos Sr. nu'ng 1973, matapos ang matinding pinsalang dulot ng Super Typhoon Kristine sa rehiyon ng Bicol.


"Pinag-aaralan ko ito, and I found that in 1973, there was the Bicol River Basin Development Project. It was a USAID project. [...] I have here a study from someone from UP (University of the Philippines) that assessed the effects of the BRBDP. Despite some challenges, mukha namang malaki ang naitulong," paglilinaw ni Marcos.


Binigyang-diin ni Marcos na bukod sa aspetong flood control, kasama rin ang proyektong farm-to-market road upang suportahan ang mga mahihirap na lugar sa Rehiyon 5 sa BRBDP.


Magugunitang sa kanyang aerial inspection sa mga lugar na matinding hinagupit ni Kristine nu'ng Biyernes, napansin ni Marcos na ang baha sa Bicol Region ay hindi agarang humupa matapos ang malakas na ulan, kumpara sa mga lalawigan ng Batangas at Cavite.


Dahil dito, ipinunto ng pangulo na doble ang dami ng ulang bumagsak sa Bicol Region kumpara sa naitala nu'ng bagyong Ondoy nu'ng 2009, kung saan halos isang metrong tubig ang umapaw sa rehiyon.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page