ni Mylene Alfonso | February 26, 2023
Nag-alok ng reconciliation si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., bilang bahagi ng paggunita ng ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
“I once again offer my hand of reconciliation to those with different political persuasions to come together as one in forging a better society, one that will pursue progress and peace and a better life for all Filipinos,” pahayag ng Pangulo.
Ayon kay Marcos, nakikiisa siya sa paggunita ng EDSA People Power kung saan napatalsik ang kanyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., taong 1986.
“As we look back to a time in our history that divided the Filipino people, I am one with the nation in remembering those times of tribulation and how we came out of them united and stronger as a nation,” dagdag pa nito.
Samantala, nagpadala rin si Pangulong Marcos ng bulaklak sa People Power Monument sa EDSA, Quezon City.
Comments