top of page
Search
BULGAR

P-BBM, kailangan ng 'alter ego' sa lahat ng departamento

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 08, 2023



Sa wakas, humirang na si President Bongbong Marcos ng kalihim para sa Department of Health (DOH) at Department of National Defense (DND).

Na-appoint bilang DOH Secretary si Dr. Teodoro Herbosa at DND Secretary naman si Gilberto Teodoro, na dati na ring naging kalihim ng ahensya noong Arroyo administration.

☻☻☻

Sa laki ng pamahalaan, hindi kayang tutukan ng Pangulo ang bawat isang ahensya. Ang papel ng mga kalihim sa bawat ahensya ay para punan ang pangangailangan ng lider sa mga ito. Nagsisilbing “alter ego” ng Pangulo ang mga kalihim upang maayos na mapalakad ang mga departamento.

Ito ang dahilan kaya mahalagang napupunan agad ang mga bakante sa mga leadership positions na ito upang masigurong nasa tamang direksyon ang pagkilos ng bawat ahensya at nagagampanan ang tungkulin nilang maglingkod sa bayan.

☻☻☻

Kaugnay nito, umaasa tayong maghihirang na rin si Pres. Marcos ng kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Naiintindihan natin ang simbolismo na pangulo ang namumuno sa mahalagang sektor ng agrikultura. Ang mensahe nito ay kinikilalang top priority ang agrikultura sa gitna ng krisis sa klima at mataas na presyo ng pagkain.

Ngunit masyado nang maraming papel na ginagampanan ang Pangulo sa ngayon.

☻☻☻

Kailangan na natin ng dedicated agriculture secretary na tututok sa iba’t ibang hamon na hinaharap ng sektor, kasama na ang dinaranas nating El Niño.

Ito rin ang panawagan ng iba’t ibang agriculture stakeholders sa bansa.

Nawa’y pakinggan ng Pangulo ang panawagang ito.


☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page