ni Angela Fernando - Trainee @News | November 30, 2023
Ipinaalam ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. nitong Huwebes na hindi na siya dadalo sa UN Framework Convention on Climate Change (COP28) sa Dubai, United Arab Emirates.
Sinabi ni Marcos sa kanyang post sa 'X' na ipinagkatiwala na niya kay Environment Secretary Ma. Antonio Yulo-Loyzaga ang pamumuno sa Philippine delegation para sa COP28 bilang kanyang kapalit.
Matatandaang binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng COP28 dahil ang Pinas ay isa sa mga bansang sentro ng epekto ng pagbabago ng klima.
Sa kabilang banda, pagtutuunan muna ni Marcos ang isang pagpupulong para masolusyunan ang sitwasyon ng 17 Pinoy seafarers sa na kasalukuyang bihag sa Red Sea at masiguro ang kanilang kaligtasan.
Comments