ni Angela Fernando - Trainee @News | November 23, 2023
Ibibigay ng administrasyon ang kinakailangang tulong ng mga biktima ng 6.8 magnitude na lindol sa Mindanao, ayon kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ngayong Huwebes.
Sinabi ito ni Marcos kasabay ng kanyang pagbisita sa General Santos City upang personal na tignan ang kalagayan ng mga biktima ng mapaminsalang pagyanig.
Aniya, merong assistance para sa lahat ng nangangailangan na magmumula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Dagdag niya, hindi pa masisimulan ang pagtatayo ng mga nasirang imprastruktura dahil sa dalang panganib ng aftershocks.
Matatandaang kumitil ng 9 na buhay, nag-iwan ng 30 na sugatan at sumira ng mga gusali at tahanan sa Sarangani, South Cotabato, at Davao Occidental ang nasabing lindol na tumama nu’ng Nobyembre 17.
Commentaires