top of page
Search

P-BBM at pamilya, dumalo sa misa para sa yumaong ama

BULGAR

ni Lolet Abania | November 1, 2022



Sa gitna ng paggunita ng All Saints’ Day, dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang mass para sa kanyang yumaong ama na si dating Presidente Ferdinand Marcos Sr. ngayong Martes, ayon sa Office of the Press Secretary.


Kasama ng Punong Ehekutibo ang kanyang ina na si Imelda Marcos, asawang si First Lady Liza Araneta-Marcos, kapatid na si Irene, at mga anak na sina Simon at Vincent sa ginanap na misa sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.


Wala namang iba pang inilabas na karagdagang impormasyon ang OPS hinggil sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa puntod ng yumaong ama.


Si Marcos Sr. ay inilibang sa Libingan ng mga Bayani noong Nobyembre 2016.


Samantala, marami rin ang bumisita na mga kaanak ng mga namayapang sundalo at opisyal ng gobyerno na nakahimlay sa heroes’ cemetery na anila, dalawang taong hindi nila nagawa dahil sa pandemya.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page