top of page
Search
BULGAR

P-BBM, 5 days sa Amerika, diretsong London

ni Mylene Alfonso | May 1, 2023




Tumulak na kahapon patungong Estados Unidos si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kasama ang kanyang delegasyon para sa 5-day official woking visit sa Washington D.C.


Ayon kay Marcos, layunin ng kanyang biyahe na mas lalong paigtingin ang magandang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa loob ng ika-21 siglo.


"My visit is an important as they all are because they are part of our efforts to further reinforce our already strong bonds with the United States by bringing our alliance into the 21st century," wika ng Pangulo.


Mahalaga rin aniya ang kanyang pagtungo sa Amerika at lalo na ang pagpupulong nila ni US President Joe Biden para maisulong ang pambansang interes at pagpapatibay ng napakahalagang alyansa ng dalawang bansa.


Ipaparating niya kay President Biden at sa kanyang gabinete ang mas matatag na ugnayan sa Amerika sa lahat ng aspeto kabilang na rito ang food security, agricultural productivity development, digital economy, energy security, climate change, cybersecurity maging ang pagtiyak sa katatagan laban sa mga banta sa ekonomiya, balakid sa global supply chain at economic coercion.


"Towards this end, one of my priorities for this visit is to push for greater economic engagement, particularly through trade and investment, and science, technology, and innovation cooperation, between the United States and the Philippines," pahayag niya.


"I intend to speak and find opportunities in the semiconductor industry, critical minerals, renewable and clean energy, including nuclear, and infrastructure projects that will improve our digital telecommunication systems and facilitate sustainability efforts to address climate change," dagdag pa ni Marcos.


Samantala, makikipagkita rin ang Pangulo sa Filipino community sa Amerika upang kumustahin at iparating ang mga ginagawa ng kanyang gobyerno.


Nauna nang inihayag ng Department of Foreign Affairs na mayroong 4.21 milyong Pilipino sa US.


Inaasahang aalis si Marcos sa Washington DC sa Mayo 5, at tutuloy sa London para dumalo naman sa koronasyon ni King Charles III sa Mayo 6.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page