top of page
Search
BULGAR

P.80 dagdag-presyo sa diesel at kerosene

ni Mai Ancheta @News | July 9, 2023





Magpapatupad ng taas-presyo sa diesel at kerosene ngayong Linggo.

Batay sa pagtaya, 50 hanggang 80 sentimos ang itataas sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.


Hindi naman gagalaw ang presyo ng gasolina at posible pang magkaroon ng rollback.


Ayon kay Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, lumabas sa kanilang apat na araw na trading monitoring mula July 3 hanggang 6, magkakaroon ng paggalaw sa presyo ng petroleum products sa susunod na linggo.


Ang bahagyang pagtaas aniya sa presyo ng diesel at kerosene ay dahil sa output cut ng Kingdom of Saudi Arabia sa supply ng langis ngayong Hulyo, habang ang rollback ay alinsunod sa polisiya ng malalaking bansa para maibsan ang epekto ng inflation.


Madalas nag-aanunsiyo ang mga kumpanya ng langis ng price adjustments tuwing Lunes na magiging epektibo naman kinabukasan, araw ng Martes.


0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page